1. Panuto: A. Piliin sa kahon ang titik ng napiling sagot. Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri ng nasalungguhitang salita. A. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol 1. Malaki ang responsibilidad ng magulang sa pagpapalaki ng mga anak. 2. Ang sobrang paggamit ng cellphone at computer ay parehong masama kapag nasobrahan. 3. Pinakamasakit sa parte ng magulang ang makita ang anak na naghihirap sa buhay. 4. Kapwa mahalaga ang pag-aaral at kalusugan ng mga mag-aaral sa panahon ngayon.. 5. Lahat tayo ay nangagarap na maibalik sa dati ang kalagayan ng buong mundo, mapayapa at walang pandemya dulot ng covid-19.