Sagot :
CELLPHONE naaadik sila sa gadyets
di na mautusan
Answer:
Mga Bata Noon:
Noon, pagsapit ng alas-tres o alas-kwatro ng hapon, kahit tirik pa ang araw maririnig na ang sigawan at tawanan ng mga bata sa kalsada. May mga batang nagsisiiyakan dahil sila’y pinapauwi na ng kanilang ina at ang iba naman ay dahil sila’y natalo sa laro. May mga bata ring nagaaway dahil sa kanilang nilalaro. Ngunit kahit may sigawan, iyakan at awayan, natutunan nilang makihalubilo sa iba at naramdaman parin nila ang saya sa paglalaro kasama ang kanilang mga kaibigan.
Mga Bata Ngayon:
Ngayon, ang mga kabataan ay nagpapabili ng mamahaling tablet para lamang makisabay sa ibang bata. Halos ang mga kabataan ngayon ay hindi malusog dahil nakaupo lamang sila magdamag gamit ang kanilang tablet at ang kanilang mga mata ay lumalabo dahil matagal silang nakatutok sakanilang tablet. Di tulad ng mga bata noon, mas maaayos ang katawan dahil sila’y nakakapaglaro at nakakatakbo sa labas. Madalas rin sa mga kabataan ngayon ay mag-isa at takot o hindi marunong makipagkaibigan dahil hindi nila naranasan ang lumabas ng kanilang bahay at makipaglaro sa mga bata.