👤

pakisagot po sa number 2 ng ang repormang pansakahan​

Sagot :

Answer:

Ang repormang pansakahan o repormang agraryo ay maaring tumukoy sa mahigpit na kahulugan bilang ang muling pamamahagi ng mga lupang sakahan na sinisimulan o sinusuportahan ng pamahalaan. Sa mas malawak na kahulugan, maaring tumukoy din ito sa pangkalahatang bagong patutunguhan ng sistemang agraryo ng isang bansa, na kadalasang kinabibilangan ng mga hakbang ng reporma sa lupa. Ang repormang pansakahan ay maaring magkaroon ng iba't ibang hakbang katulad ng pautang, pagsasanay, pagpapahaba, pagsama-sama ng lupa, at iba pa. Sinusuri ng World Bank sa limang dimensyon ang repormang pansakahan: (1) liberalisasyon ng mga nakalaan (stock) at merkado, (2) reporma sa lupa (kabilang ang pagsulong ng mga merkado ng lupa) (3) pag-proseso ng sakahan at mga pag-agos ng papasok na panustos, (4) pananalapi sa pook na urbano, (5) mga merkadong institusiyon.[1]