pagsasariay Ang Pag-uwi sa Tagaytay Ni:Charisse Talatala Isang araw ng Sabado nagpasyang umuwi ang mag-anak ni Boyet sa Tagatay. Nasasabik siya na makita ang kanyang Nanay Alice kaya niyaya niya ang kanyang kamag-anak na pumasyal doon. Malayo ang Tagaytay sa lugar ng mag-asawa kaya matagal-tagal din ang kanilang biyahe. Nasasabik din si Aling alice sa kanyang anak kaya naghanda siya ng masarap na pagkain na pagsasaluhan. Malamig ang simoy ng hangin kaya nakadama agad ng ginhawa si Boyet. Masayang nagsalo-salo ang buong mag-anak ni Amang Carpeng kaya masasabing dadalasan ni Boyet ang pag-uwi sa Tagaytay. Panuto: Pag-ugnayin ang mga sanhi sa hanay A sa bunga nito sa hanay B. Sanhi 1. Nasasabik si Boyet na makita ang kanyang Nanay Alice 2. Nasasabik din si Aling Alice sa pagbisita ng kanyang anak. 3. Masayang nagsalo-salo ang buong mag-anak ni amang Carpeng. 4. Malayo ang Tagaytay sa lugar nang mag-asawa 5. Malamig ang simoy ng hangin. Bunga A. Masasabing dadalasan ni Boyet ang pag-uwi sa Tagaytay B. Matagal tagal din ang kanilang biyahe C. Niyaya niya ang kanyang mag-anak na dalawin ang kanyang ina D. Nakadama agad ng ginhawa si Boyet E. Naghahanda si Aling Alice ng masarap na pagkain pagsasaluhan
Paki sagot po nahihirap na po ako marami pa poa ko sasagutin bibigyan kita 5 star kapang tama