Sagot :
Answer: Mga ibigsabihin ng saknong 305-316
305 - Walang sinabi ang mga Moro sa tapang at bangis ni Minandro. Dahil sa katapangan nabawi ng grupo ni Florante ang kampo.
306 - Nanalo ang buong sandatahan ni Florante dahil sa pwersa ni Minandro mula sa mga moro lumusob.
307 - Lahat ng mga mandirigma sa hukbo ni Florante ay walang kinatatakutan kahit kamatayan.
308 - Pinuri at ipinagdiwang ng mga tao sa kaharian ang pagkapanalo nina Florante at halos sambahin.
309 - Pinagsigawan ng mga tao ang pangalan ni Florante bilang bayani ng hukbo.
310 - Sa kaharian ng Krotona natuwa ang lahat ng mga tao na ang taong nagtanggol sa bayan ay apo pala ng hari. Kaya ipinagbunyi ng lahat ang kanilang bayaning sinisinta kaya tuwang -tuwa ang lahat.
311 - Nagpahinga ang lahat ng hukbo mula sa kanilang pakikipaglaban mula sa itaas ng palasyo ngunit hindi nakararamdam ng antok at pagod.
312 - Sandali lamang ang kasiyan sa pagiging matagumpay na pakikipaglaban dahil naalala ni Florante ang balitang pumanaw na ang kanyang ina na nagdulot ng kalungkutan at oangungulila.
313 - Ang pagdaramdam niyang kalungkutan ay kailan man ay hindi matutumbasan ng kaligayahan kahit ilang beses pa ito.
314 - Ilang buwan na ang naklipas animoy hinihigit siya ng kanyang paa na makabalik sa Albanya sa pakiramdam na may naghihintay sa kanya. Si Laura na laging laman ng kaniyang isipan.
315 - Sa di kalayuan tanaw niya ang kalat- kalat na Moro sa paligid kaya nais niya na makabalik sa kaharian.
316 - Mula sa kaharian tanaw ni Florante ang bandera ng Persya na ibigsabihin na nasakop na ang bayan. Nasakop ang bayan sa pamumuno ng batang si Aladin.
Explanation: