Nasa bahagi na tayo ng modyul kung saan ay naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Lagumin natin ang iyong natutuhan sa ating aralin kaibigan. Pagnilayan mo ang mga sumusunod na tanong at huwag magmadali sa pagsagot. Hawak mo ang iyong oras A. Bakit sa palagay mo ay umusbong at sumigla ang panitikang Pilipino noong panahon ng komonwelt? B. Bakit mahalaga pang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa panahong ito? C. Malaya nga ba ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt? Pangatwiranan ang iyong sagot. D. Punan mo ang balangkas sa ibaba ng mga natutuhan mo sa ating aralin.