D 9. Sa anong kabihasnan nahahati sa dalawang bahagi ang lungsod-citadel al mababang bayan? A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus B. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan 10. Anong kabihasnan namumuno ang isang emperador na pinaniniwalaang pinili ng langit? A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan 11. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin ng hari sa kabihasnang Indus at Sumer? A. Ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sa kasaganaan ng lahat ng nasasakupan B. Ang gawain lamang ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay nakasentro sa tungkuling panrelihiyon C. Ang hari sa Sumer at Indus ay nakatira sa mga templo samantalang ang sa kabihasnang Shang ay malayo sa mga tao. D. Ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lang panrelihiyon 12. Anong mga pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad? A. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain kapag panahon ng pag-ulan. B. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog. C. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kweba kapag panahon na may ulan D. Nagtayo sila ng mga dike at nagtanim ng mga malalaking puno at inayos ang mga daluyan tubig upang hindi pumasok sa kanilang pamayanan. 13. Binubuo ito ng 500 na mga simbolo sa pagsulat. A. Cuneiform B. Alibata C. Calligraphy D. Dholavira 14. Nabuo ang isang kabihasnan sa pagkakaroon ng A. sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining arkitektura at sisteman pagsulat B. pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat C. maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran D. paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan