👤

ll.Salungguhitan ang kompletong pang-uri na ginamit sa bawat pangungusap at isulat sa linya bago ang
bilang kung ito ay nasa kaantasang Lantay, Pahambing o Pasukdol.
Halimbawa:
Pasukdol 1. Ang San Fernando Central School ang pinakamalaking paaralang elementarya sa buong
bayan ng San Fernando.
1. Payapa ang buong bayan ng Santa Rosa noong kami ay nagbakasyon.
2. Para sa akin mas gusto kong mamasyal sa tabing dagat kaysa umakyat ng bundok.
3. Ayon sa kanila ang Lalawigan ng Palawan ang isa sa mga pinakamagagandang probinsya ng
ating bansa.
4. Ubod ng lamig ng tubig na dumadaloy sa loob ng mga kuweba ng Camotes sa Cebu.
5. Mawawala naman ang iyong pagod kapag nakita mo mula sa tuktok ng borol ang mga mala-
tsokolateng borol sa bayan ng Carmen, Bohol.
6. Tayo naman ay makilangoy sa mga pinakadarayong hayop ng Oslob, Cebu, ang mga
butanding
7. Kapag nagbakasyon ka naman sa bayan ng Vegan wari ay nasa bansang Espanya dahil sa
mga preserbadong lumang bahay mula pa sa panahon ng mga espanyol.
8. Mayaman na mayaman talaga ang Pilipinas sa likas na kagandahan ng kapaligiran.
9.Ang mga lutong-Pampangga naman ay isa sa pinakamasarap na lutuin ng bansa.
10.Mas maganda talagang magbakasyon sa Pilipinas kaysa sa ibang bansa.​