👤

halimbawa ng kataporic
halimbawa ng anaporik​


Sagot :

Katapora o kataporik na panandang pangngalan – kung nasa hulihan ang tinutukoy at nasa unahan ang naglalarawan sa tinutukoy.

Halimbawa:

1. Ito ay puno ng mga halaman at mga magagandang bulaklak. Napakalaki ng gubat.

2. Totoo bang namatay ang kanyang ina? Nakakaawa naman ni Mia, napakabata pa niya’t nawalan na nang ina.

3. Maraming salamat po sa pagtanggap po ninyo sa amin. Napakabuti po ninyo Mang Ben at Aling Tina.

4. Minsan lang siyang nagsasalita. Ika nga ng iba, matinding trauma ang nararanasan ni Mina dahil sa aksidente.

5. Nakatanggap nanaman siya ng parangal. Napakagaling talaga ni Kris!

Anapora o anaporik na panandang pangngalan—kapag nasa unahan ang tinutukoy at nasa hulihan ang naglalarawan sa tinutukoy.

Halimbawa:

1. Masaya si Lito. Lagi siyang may kalaro at laging masaya.

2. Maganda si Maria. Marami siyang manliligaw.

3. Masipag at maalalahanin si Rita kaya marami ang nanghihinayang sa kanyang pagkawala.

4. Nandoon si Rico nang mangyari ang barilan. Siya ang “star witness” ng krimeng naganap kahapon.

5. Maraming salamat Aling Tina. Napakabuti mo talaga!