Sagot :
Answer:
Aralin 8 Ang mga relihiyong at ang paniniwalang Asyano
1. Ang mga Relihiyon at Paniniwalang Asyano
2. Ito ay isang organisadong sistema ng pananampalataya, pamimitagan, paggalang, kaugalian, at pananalig na nakasentro sa isa o higit pang kinikilalang diyos. Ito rin ang nagsilbing gabay na paniniwala at pagkilos ng mga Asyano sa loob ng mahabang panahon. Tulad ng sining, dito rin natatagpuan ng mga Asyano ang tunay na kahulugan at kahalagahan ng buhay sa kabila ng paghihirap. Ayon sa tuklas ng mga arkeologo, ang mga Asyano ay nagsimulang manampalataya sa kani-kanilang kinikilalang diyos at diyosa simula pa nang kanilang ebolusyon…na ang mga Asyano ay nagtatag ng sariling relihiyon kasabay ng paglinang ng sariling sining kung saan naipahiwatig at naipadarama ang pagkamangha sa napakaganda ngunit nakasisindak na daigdig.
3. Ito ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig na nagmula pa sa kabihasnang Vedic. Pangunahing relihiyon sa India. Hindi ito isang organisadong institusyon na may malinaw na pamantayan; ito ay isinasabuhay. Ang sagradong aum ang nagsisilbing simbolo ng Hinduism. Ang kabuuan naman ng salitang aum ay nangangahulugang “ang kapagyarihan ng paglikha, pagpapaunlad, at paggunaw ng mundo ay magmumula lamang sa panginoon.” - ang bawat letra sa aum ay may kahulugan mga; A ay simula, U ay pag-unlad, at ang M naman ay hangganan. Ang Hinduism ay nakabatay sa pananampalataya sa pangkapaligirang puwersa tulad ng diyos ng ulan, diyos ng kidlat, at diyos ng kasaganaan na kilala bilang ‘Pantheism’.