👤

1. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang- proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante?

A. Fair Trade C. Guarded Globalization

B. Global Standards D. Pagtulong sa Bottom Billion

2. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng mga maliliit na namumuhunan?

A. Fair Trade C. Guarded Globalization

B. Global Standards D. Pagtulong sa Bottom Billion

3. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagbibigay-pansin sa mga pangangailangan ng pinakamahihirap na tao sa mundo?

A. Fair Trade C. Guarded Globalization

B. Global Standards D. Pagtulong sa Bottom Billion

4. Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa pang-aalipin?

A. Forced Labor C. Slavery

B. Human Trafficking D. International Standards

5. Si Anton ay sapilitang pinagtatrabaho ng kanyang amo kahit wala naman ito sa kanyang kontrata bilang domestic helper. Alin sa sumusunod na konsepto ang kinabibilangan ng sitwasyon ni Anton?

A. Forced Labor C. Slavery

B. Human Trafficking D. International Standards

6. Magtatrabaho dapat si Nancy bilang waitress sa ibang bansa, ngunit pagdating niya roon ay ibang trabaho ang ibinigay sa kanya na may mas mababa pang sahod. Alin sa sumusunod na konsepto ang tutugma sa sitwasyon ni Nancy?

A. Forced Labor C. Slavery

B. Human Trafficking D. International Standards

7. Alin sa sumusunod ang nararapat gawin ng pamahalaan sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa ibang bansa?

A. pauuwiin ang lahat ng OFW at bigyan na lamang ng trabaho sa Pilipinas

B. magtatag ng mga mekanismo upang ma-monitor ang kalagayan ng mga OFW at gumawa ng kaukulang hakbang kung may pang-aabuso

C. pabayaan na lamang ang mga ito dahil isolated cases lang naman ang mga ito D. ipaubaya ang gagawing aksyon sa pamahalaan ng bansa kung saan nagtatrabaho ang OFW

8. Bilang isang mag-aaral sa kasalukuyan, alin sa sumusunod ang maaari mong gawin upang masiguro na maaangkop ka sa pangangailangan ng ating bansa na umunlad sa kabila ng globalisasyon?

A. magsumikap sa pag-aaral upang makatapos at magkapagtrabaho

B. tumigil sa pag-aaral at magtrabaho na upang kumita ng pera

C. magpalipas ng panahon at umasa na lamang sa pamilya

D. maging layunin ang makapagtrabaho agad kahit kulang pa sa mga kakayahan