Sagot :
Katangian ng Tao at Katangian ng Pagpapakatao
Katangian ng Tao (Characteristic) ay ang mga kilos ng tao ay idinidikta ng kaniyang mga intelektwal, kaisipan, konsensiya, dignidad at ng kanyang kalayaan. Ang Katangian ng Pagpapakatao ay ang personang gumaganap at umuusbong habang nililikha niya ang kanyang sarili (self-development)
Ang Katangian ng Tao
Ang katangian ng tao o ang karakter nito ay nabibigyan ng impluwneysa ng kanyang mga kapaligiran, ng kanyang mga nakakasama, at ng kanyang mga nakagawian at / o natural na pagka-sino ng isang katauhan.
Trivia! Kilala ang katangian ng mga Pilipino bilang mga “hospitable” o mapagpatuloy pero may angking katamaran o kabagalan sa oras. Ilan sa mga katangian ng tao o mga halimbawa ng katangian ay ang mga sumusunod:
Matapat
Masipag
Tamad
Mahiyain
Masayahin
Malikhain
Maka-Diyos
Magastos
Extrovert
Introvert
Katangian ng Pagpapakatao o Nagpapakatao (Being Humane)
Ang pagpapakatao o nagpapakatao ay ang pagiging inbidwal niya at kung paano siya nakikitungo sa mga kapwa niya nilalang sa mundo. tungo sa kamalayan, pagpapalawak ng kaisipan, at maging sa pagpili sa kung alin ang tama at mali.
Tandaan na ang paghulma ng isang tao sa kanyang sarili ay ang nagiging personalidad niya. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng nagpapakatao:
Ang katangian ng pagpapakatao ay siyang kakayahang mag-reflect o magnilay ng kanyang sarili, inaalam niya ang kanyang mga pinahahalagahan (values), ang kanyang mga birtud, at higit sa lahat ay ang mortalidad.
Ito rin ay ang nagiging kakayahan ng isang nilalang na mag-alay ng sarili sa mundo, lalo at sa pamamagitan ng kanyang mga kilos, mga adbokasiya, mga gawain at kasama pati ang kanyang mga pangarap.
Kakayahan din ito ng isang nilalang na magbigay kahulugan at makapag-isip upang makaunawa sa mga umiiral na kaganapan sa paligid niya.
At higit sa lahat, ang katangian ng nagpapakatao o katangian ng pagpapakatao ay kakayahang magbigay ng awa at pag-ibig / pagmamahal.
Kung ang ikinikilos ng isang indibidwal na tao ay para sa mas ikagaganda at ikabubuti ng kanyang konsiyensiya at paligid, ito ay pagiging isang ganap na taong makatao.
Ano ang mga katangian ng tao at ang mga katangian ng nagpapakatao? - brainly.ph/question/557031.
Ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob: Ang mataas na gamit at tunguhin ng isip ay tinatawag din intelek o “intellect”. Samantalang ang kilos loob naman ay ang “will”. Ang isip ay siyang gumagana kapag nalinang na ang pandama ng isang indibidwal samantalang ang kilos loob o will naman ay ang makatuwiran na pagkagusto dahil ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa kasamaan.
Sabi ng ekperto, ang kaalaman o impormasyong nakalap ng pandama ng isang nilalang ay ang pinalalawak at inihahatid sa kaisipan para magkaroon ng mas malalalim na pagbibigay kahulugan. Pinaniniwalaang ang mag-isip, pumili, gumusto at maging rasyonal ay likas na kakayahan na ipinagkaloob sa ating katauhan. Ang mga panloob na pandama ay ang mga kamalayan, memorya, instinct ng tao, at mga hiraya o imahinasyon natin.
Hindi rasyonal at intelektwal ang mga hayop. Ngunit may tatlong kakayahang ikinapareho ng tao sa hayop. Ito ay ang mga sumusunod:
pandama
pagka-gusto
paggalaw
Ano ang mga katangian ng isang tao - brainly.ph/question/549952; brainly.ph/question/233030.
Ano ang mga halimbawa ng mga katangian ng tao - brainly.ph/question/597646
Owner ng Answer na ito - https://brainly.ph/question/346337
Answer:
Mayabang
Mabait
Sinungaling
Hindi Sinungaling
Matulungin
Masipag
Magaling
Magalang
Matalino
Manloloko
Bastos
Mapagkumbaba
Maka-Diyos
Makulit
Iyakin
Tamad
Matakaw
Madamot
Mayaman
Mahirap
I HOPE I HELP YOU❤
STAY SAFE❤
#CarryOnLearning