PANUTO: Punan ang patlang para makompleto ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kabihasnang klasikal ng Ainerika. Ang mga Incan ay gumawa ng gintong imahen ng araw na isinasabit sa kanilang mga templo. Pinipilit nilang sumamba sa araw ang kanilang nalulupig na mga tao. Naniniwala sila na kinatawan ng diyos ng araw at sa lupa ang kanilang emperador na kakaibang nilalang kaya sinasamba ito. Ang mga Aztec ay kinamumuhian naman ng kanilang kalapit-bayan dahil sa madugo ang kanilang pagsamba sa diyos na kanilang isinasagawa sa pamamagitan ng pag- aalay ng mga buhay na tao. Ang Aztec ay nagmula sa mitikong lugar sa Hilagang Mexico at ang Inca naman ay nangangahulugang imperyo. Pareho itong nagmula sa maliit na pamayanang agrikultural na matagumpay sa pagtatanim. Ang Aztec ang nagtatag ng pamayanan ng (1). isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng Texcoco. Ang kabihasnang Inca ay naging maunlad sa (2) Ang lipunang Inca ay naitatag ni (3) sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan. Ang dalawang imperyong ito ay parehong sumasamba sa araw bilang diyos ngunit magkaiba ang pangalan nito. Ang pangalan ng diyos ng araw ng mga Aztec ay (4) samantala, ang diyos ng araw ng mga Incan ay tinawag na (5) Sa larangan ng inhinyera, pareho itong mahusay sa paggawa ng kalsada, templo at iba pang gusali. na lala MO