👤

Ano ang kahulogan ng glonalisasyon

Sagot :

Answer:

Ang globalisasyon (mula sa Kastila: globalización) ay isang sistemang pandaigdig na naglalarawan sa mga pagbabagong nagbubuklod-buklod sa mga tao, kompanya, at bansa. Tumutukoy ito sa paraang pagdaloy ng impormasyon, produkto, serbisyo at kapital sa pagitan ng pandaigdigang lipunan. Sa ganitong paraan kumakalat at nagiging global ang mga lokal o pambansang mga gawi. Ang globalisasyon ay maaari ring tumukoy sa mga aspekto ng ekonomiya at kalakalan, teknolohiya, politika, at kalinangan o kultura.[1]

Ayon kay George Ritzer, isang akademiko at sosyolohista, ang globalisasyon ay isang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.[2] Sa kasalukuyang panahon, mas napapabilis ng teknolohiya at mga ipinapatupad na patakaran ang sistemang ito.