👤

ano ang nawala na sa ating kalikasan​

Sagot :

Answer:

Puno

Explanation:

Dahil sa mga taong gumagawa ng mga maling gawain, pagpuputol ng puno ng wala sa tamang proseso.

Answer:

Nawala ang kaayusan, puno, linis at nasira ang mga bundok

Explanation:

Enero pa lang at kauumpisa pa lang ng taon ngunit bakit tila nag-uunahan ang mga kalamidad sa pagdagsa sa ating mundo? Umpisahan natin ang ating talaan sa malawakang sunog sa Australia, giyera sa Middle East, lindol sa iba’t ibang panig ng mundo, pagputok ng bulkang Taal dito sa ating bansa, baha sa Indonesia at Dubai, ang nakaambang pagkatunaw ng mga “glaciers” sa New Zealand, matitinding mga bagyo sa America, at ang pinakahuli ay ang pagdami ng kaso ng nakamamatay na Novel Corona Virus (NCOV) mula China. Ngunit ang higit na nakababahala ay ang patuloy na pag-init ng mundo.

Ayon sa mga pag-aaral, tuluyan na ngang nagbago ang klima ng mundo. Umiinit, nagiging “acidic” at tumataas na ang lebel ng tubig sa mga karagatan. Natutunaw na rin ang mga “glaciers” na bumabalot sa mga kabundukan sa mga malalamig na bansa dulot ng mga malawakang sunog sa iba’t ibang panig ng mundo.

Palala na ng palala ang kalagayan ng mundo at marami pa rin ang nagkikibit-balikat at walang pakialam sa kapaligiran. Tapon dito, tapon doon. Sunog dito, sunog doon. Patuloy pa rin ang walang habas na pamumutol ng mga puno, pagmimina, pagbubuga ng usok ng iba’t ibang industriya, at iba pang mga aktibidad ng tao na nakakasira sa kalikasan.

Saan ba patutungo ang mundo kung patuloy pa rin ang tao sa pagwawalang-bahala sa mga nangyayari sa kapaligiran? Kaya hindi na nakapagtataka kung dumaranas tayo ng mga kalamidad. Totoo nga ang kasabihang “kung ano ang itinapon ng tao sa kapaligiran ay siya ring ibabalik nito sa tao,” at mas matindi pa. At kung hindi pa rin tayo matututong pangalagaan at protektahan ang kalikasan ay baka magising na lang tayong wala na ang mundo. At kung wala na ang mundo, saan na tayo?

Ngunit hindi pa huli ang lahat. May panahon at paraan pa upang maagapan ang patuloy na pagkasira ng ating mundo. Ang panahong ito ay NGAYON! Ang bawat isa ay may malaking maiaambag sa pagbuti ng kalagayan ng kapaligiran. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng mga sumusunod: Paggamit ng enerhiya sa tamang paraan; Pagbabawas o pagtigil sa paggamit ng mga plastik o mga hindi nabubulok na mga gamit; Pagtatanim ng mga punungkahoy; Pagbabawas sa paggamit ng papel; Pagbabawas sa paggamit ng mga sasakyan at marami pang ibang paraan.

Huwag na nating hintayin pa na tayo na ang maging biktima ng mga kalamidad na resulta rin ng pagmamalabis ng tao sa kalikasan. Ayusin na natin ang ating pananaw para sa ating kapaligiran. Maging responsable na tayo sa ating mga aksyon. Matuto na tayo sa mga kaganapan sa ating paligid kung saan maraming buhay at kabuhayan na ang nawala. Magtulungan tayo at suportahan ang ating pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa at mga proyekto para sa pangangalaga at proteksyon ng ating mga likas na yaman at kapaligiran. Sa ganitong paraan ay dahan-dahan, kung hindi man agaran o tuluyan, maibabalik pa rin natin sa dati ang mundo.

View image LimpiadoEl