Sagot :
Answer:
Patakarang homestead
Explanation:
Ang Homestead Act o Patakarang Homestead ay nabuo sa panahon ng Civil War noong 1862. Ayon sa patakarang ito, kung sino man ang nasa hustong gulang na kasalukuyang citizen ng Estados Unidos ay maaaring makakuha ng lupa na mayroong sukat na 160 acres. Ang nais makakuha ng nasabing lupaan ay maaaring gawin itong taniman. Bilang kapalit, kinakailangang magbayad ng maliit na halaga ang isang indibiwal na mag-aasikaso nito at kinakailangang manirahan ng hindi bababa sa limang taon sa nasabing lupain.
Nakapaloob sa patakarang ito ang iba't ibang batas na mayroong kaugnayan sa pagnanais kumuha ng lupa. Ito ay nilagdaan ng dating pangulo ng Estados Unidos na si Abraham Lincoln.