👤

ano ang paraan upang mapabuti ang kalagayang pinansyal?​

Sagot :

Ang paraan upang mapabuti ang kalagayang pinansyal ay ang pagtitipid. Ang pagtitipid ay isa sa mga paraan upang mapabuti ang kalagayang pinansyal dahil tumutulong ito na ipokus ang pansin sa mga bagay na mas mahalagang pag-laanan ng pinansyal. Ang pag-una sa mga bagay na mahalaga at pangunahing mga pangangailangan ay makatutulong upang makatipid.  

Kalagayang Pinansyal

Ang mga sumusunod ay ang mga paraan na makatutulong upang mapabuti ang kalagayang pinansyal:

1. Maging praktikal

2. Umiwas sa mga sale o buy one take one  kung hindi naman ito kailangan

3. Magkaron ng budget plan at maingat na sundin ito

4. Huwag mangutang  

5. Magtipid rin sa pag-gamit ng mga appliances  

6. Maging masipag

Tamang Pananaw Sa Pera

Ang mga sumusunod ay ang mga bagay na magpapaalala ng tamang pananaw sa pera:

• Hindi nito nabibili ang kaligayahan

• Hindi nito nabibili ang kalusugan

• Nagdudulot ng stress ang sobrang pagalala sa pera

• Maging kontento, makakatulong ito upang huwag mangutang para sa di mga kinakailangan gastusin

Pinansyal ay mahalaga upang tayo ay mabuhay ngunit dapat na maging balanse may kinalaman ditto. Tingnan ang iba pang opinyon:

Kahulugan ng katayuang pinansyal?:

https://brainly.ph/question/1303156

Ano ang karaniwang nagiging bunga ng pagiging masipag?:

https://brainly.ph/question/2145451

#LetsStudy