1. Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod sa pamamagitan ng sumusunod, maliban sa: a. pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat b. pagiging tapat, maunawain, at pagpapakita ng kakayahang impluwensiyahan ang kapwa c. hindi nakikipag-ugnayan sa mga kasapi d. pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa iba 2. Ayon kay “Ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin bilang lider at tagasunod ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo mapanagutang pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhang buhay sa lipunan". a. Dr. Eduardo Morato b. Jack Weber c. John C. Maxwell d. Ban Ki-Moon 3. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng lider at tagasunod maliban sa isa. a. pakikipag-ugnayan at pagpapahayag ng opinyon nang malinaw at may paggalang b. pakikinig at pag-unawa sa mga ideya ng ibang kasapi. c. paglutas ng suliranin na kasama ang ibang kasapi. d. Hindi pagsuporta sa mga kasapi at gawain ng pangkat 4. Ang mga sumusunod ay kasanayang dapat linangin ng isang tagasunod maliban sa isa. a. Kakayahan sa trabaho (job skills) b. Kakayahang mag-organisa (organizational skills) c. Mga pagpapahalaga (values component). d. Kakayahang hindi makibagay sa sitwasyon 5. Malilinang ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng focus, komitment, pagsusumikap na maragdagan ang kagalingan sa paggawa, at pagkakaroon ng kusang pagtulong sa kinabibilangang pangkat. a. Kakayahan sa trabaho (job skills) b. Kakayahang mag-organisa (organizational skills) c. Mga pagpapahalaga (values component) d. Wala sa nabanggit