👤

C.
d.
ba
na
K K
1. Ang buong mundo ay napupuno nang matinding
takot dulot ng COVID19. Ang bawat bansa ay gumagawa
ng paraan upang maiwasan ang mabilis na pagkalat nito
na magiging sanhi ng pagkamatay ng ilang mga biktima
na matatamaan ng virus na ito. Ang pananatili sa bahay,
paglayo nang may 1-2 metro mula sa ibang tao,
palagiang paghugas ng mga kamay, at pagpapalakas ng
immune sytem ang pinakamabisang paraan upang
maging ligtas at maiwasan ang pagkalat ng virus na ito.
A. COVID19 Paano lwasan?
B. COVID19 at Ang Epekto Nito.
C. Pagkalat ng COVID19 sa Buong Mundo
D. Ang COVID 19
2. Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging magalang.
Patunay nito ang pagtawag natin ng mga katawagan sa
ating mga nakatatanda tulad ng nanay, tatay, lolo, lola,
mama, papa at mayroon ding tiyo, tiya, ate at kuya.
Nariyan din ang paggamit natin ng po at opo sa tuwing
tayo ay nagsasalita. Nagbibigay din tayo ng mga pagbati
gaya ng magandang umaga, magandang gabi at kahit sa
anomang oras na tayo ay makikisalamuha sa ating
kapuwa. At hinding-hindi natin kailan man maaaring
kalimutan ang pagmamano sa mga nakatatanda sa atin.
A. Magalang Ako, Pilipino Ako
B. Pagmamano sa mga Nakatatanda
C. Mga katawagan sa Ating mga Nakatatanda
D. Mga Magagandang kaugalian​