👤

Sumulat ng pangungusap na nanghihikayat sa ibang kabataan upang gawin ang makakaya para mapangalagaan ang kalikasan.Gamitin ang sumusunod na pahayag sa ibaba​

Sagot :

Explanation:

Madaming mga bagay ang pwedeng gawin ng isang kabataan para mapangalagaan ang Kalikasan. Sa simpleng pagiging responsable sa mga kilos ay gawi, ay malaking bagay na upang mapanatili ang kaayusan ng kalikasan. Pagiging responsable sa paraan na, pag tatapon ng basura sa tamang lalagyan at ang paglilinis ng kapaligiran kahit walang nakakakita o hindi inuutusan. Kailangan nating maging responsable sa mga posibleng aksiyon natin na may kinalaman sa kalikasan, sapagkat hindi na biro ang mga nararanasan nating kalamidad ngayon, katulad ng baha at polusyon na tayo mismo ang naapektuhan

Pangalawang paraan para mapangalagaan ang kalikasan ay pagsali sa mga proyektong pinapatupad ng mga komunidad. Katulad ng paglilinis ng komunidad, pagtatanim ng mga puno na mga programa at pagsali sa mga pagtitipon na nag tuturo ng mga leksyon o impormasyon tungkol sa mga paraan upang mapangalagaan ang kalikasan.

Kahit na tayo ay isang estudyante pa lamang, nararapat na tayo ay umaksyon pa din para sa ikabubuti nito. Maraming mga bagay ang pwede nating magawa kahit sa simpleng paraan lamang. Basta't lagi lang nating tatandaan na kailangan natin ang kalikasan, ngunit mas kailangan tayo ng kalikasan.