👤

Anu ang hindi dapt gawin sa ilong


Sagot :

Answer:

HANGGA’T hindi natututo at nadidisiplina sa pag­tatapon ng kanilang basura ang mga taong naninirahan sa Ilog Pasig, patuloy ang pagdumi nito. Hindi kailanman magiging kristal ang tubig ng Ilog Pasig sapagkat patuloy na dinudumihan. Habang may mga taong nagsisikap at nangangarap na maging malinis ang Ilog Pasig, marami rin namang residente sa pampang ang patuloy sa pagtatapon ng basura. Hindi nila nakikita ang paghihirap na ginagawa ng mga nagmamalasakit na tao para maibalik ang dating linis at ganda ng Ilog Pasig.

Nireport ng Pasig River Rehabilitation Commis­sion (PRRC) officials na marami na naman si­lang nakuhang basura sa ilog at nananawagan at nakikiusap sila sa mga residenteng naninirahan sa tabi ng Ilog Pasig na magkaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura. Dapat nang matigil ang pagtatapon sa ilog sapagkat nawawalan ng saysay ang kanilang ginagawang dredging (paghahalukay) sa ilog. Sinimulan ang dredging project noon pang nakaraang taon at inaasahang matatapos sa July 2010. Ang dredging ay priority project ng national gov­ernment at nasa ilalim ng Executive Order 717 na nilagdaan ni President Arroyo noong March 2008. Katulong sa proyekto ng PRRC ang ABS-CBN Foundation.

Sayang ang pagsisikap na maging malinis ang Ilog Pasig. Naniniwala kami na dapat ay ipaunawa pa sa mga residenteng nasa tabing ilog ang masamang epekto ng kanilang ginagawang pagtatapon ng basura. Dapat pang isa-isahin sa kanila na kapag hindi naalis ang mga basura sa ilalim ng ilog, mapupuno ito at wala nang dadaanan ang tubig. Kapag napuno ng basura ang Ilog Pasig, aapaw at babahain ang Metro Manila. Mangyayaring muli ang naganap noong Setyembre 26, 2009 kung saan bumaha dahil sa pananalasa ng bagyong “Ondoy”. Nakabara ang mga basura sa mga estero at drainage at walang madaanan ang tubig.

Answer:

1. wag magpaulan upang hindi sipunin

2.iwasan ang papupuyat dahil sanhi ito ng pongut

3. iwasang kalikutin ang ilong upang hindi mag sugat

4. iwasan pumunta sa mga maaalikabok na bagay upang hindi bahingin

5.panatilihing malinis ang mga ilong

Explanation:

SANA MAKATULONG