PAUNLARIN/ LINANGIN Gawain# 2 : Pagsusuri ng Teksto/Talahanayan (Learner's Module pahina 73-75). Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit. Guhitan ang tamang sagot sa loob ng panaklong. 1. May matinding implikasyon ang paglaki ng populasyon sa isang lugar. (epekto, panukala, pagbagal) 2. Ang mabilis na pagdami ng tao ay nakapagpapalala sa suliranin sa kahirapan. (nakababawas, nakadaragdag, nakaiimpluwensya) 3. Ang potensyal ng isang bansang umunlad ay nakikita sa distribusyon at komposisyon ng populasyon nito (kalagayan, kalusugan, kasiyahan) 4. Ang mataas nadeath rate ay maaring mangahulugan ng kasalatan sa aspektong medikal ng lipunan. ( kakulangan, kasapatan, kasanayan) 5. Ang literacy rate ay tinatawag din bilang antas ng kamuwangan (kakulangan, kasapatan, karunungan)
ANO ANG KAHULUGAN NITO: IMPLIKASYON- NAKAPAGPAPALALA- POTENSYAL- KASALATAN- KAMUWANGAN