Sagot :
Answer:
BAROQUE
Ang baroko ay madaling nahihinuha bilang isang estilong gumamit ng masidhing galaw, malinaw at madaling mainterpreta na detalye sa drama, tensiyon, kasaganaan, at kadakilaan sa larangan ng paglililok, pagpipinta, arkitektura, literatura, pagsayaw, teatro at musika. Nagsimula ito sa Roma, Italya noong 1600 at naging laganap sa halos kabuuan ng Europa. Mula sa Roma, lumaganap ito sa Pransiya, hilagang Italya, Espanya at Portugal, hanggang sa Austria at timog Alemanya. Sinundan nito ang estilong Renasimyento at sinundan ng estilong Neoklasiko. Pagdating ng mga 1730, lumago ito sa lalong mabulaklak na uri, na tinatawag na rocaille o Rococo, na lumitaw sa Pransiya at gitnang Europa hanggang sa ika-18 siglo.
RENAISSANCE :
Ang Renaissance ay isang panahon sa Europa, mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon, at itinuturing na nagtulay sa pagitan ng Gitnang Kapanahunan at ng makabagong kasaysayan. Nagsimula ito bílang isang pagkilos na kultural sa Italya noong hulihan ng Gitnang Kapanahunan at tuluyang kumalat sa iba pang bahagi ng Europa, na nagpaumpisa sa Sinaunang Makabagong Panahon. Nakatuon ang tradisyonal na pananawa sa mga maagang modernong aspeto ng Renasimiyento at hinihimok na pagtigil ito ng nakaraan, ngunit nakatuon ang mga mananalaysay ngayon sa mga edad medyang aspeto at hinihimok na karugtong ito ng gitnang panahon.