Sagot :
Answer:
Ang paggalang ay isang kaugaliang positibo. Naipapakita natin sa maraming paraan. Ito ay nagmula sa pagkilala natin ng lubos sa Poong Maykapal, pagmamahal sa Diyos at pagsunod sa kanyang mga aral. Ang pagiging may alam o edukado sa mga mabubuting asal ang higit na kinakikitan ng paggalang. Dahilan ng ating pagiging mapagmahal sa kapwa ay nagawa natin silang respetuhin at binibigyan ng halaga. Ilan sa mga halimbawa ay ang pagmamano sa nakatatanda, pagsasabi ng “po at opo” at pagpapakumbaba.
Sa panahon ngayon, maaring maihahalintulad natin ang sitwasyon na kapag may matandang babae na sumasakay sa bus at wala ng upuan, buong ipinagkakaloob mo ang iyong puwesto sa ikabubuti ng matanda. Hindi lang natin ito magagawa sa tao lamang kundi pati na rin sa iba pang mga bagay tulad ng pagdidilig ng mga halaman at pag-aalaga ng mabuti sa hayop.
Ang paggalang sa ibang tao ay nagdudulot sa kapaligiran ng katiwasayan, katahimikan, at kaayusan sa pamayanan at higit sa lahat ay nagbibigay ng kagaanan ng ating loob.
Explanation: