👤

PANUTO: Lagyan ng tsek ( / )kung ang pangungusap ay nagpapahayagng
pagsang-ayon at ekis naman (x)kung nagpapahayag ng pagsalungat.
1. Tama ang sinabi ng aking mga magulang na dapat akong
mag-aral nang mabuti.
2. Lubos akong nananalig na darating din ang takdang
panahon na babalik din sa nomal ang lahat.
3. Ang mga tinuran niya sa harap ng hurado ay hindi totoo.
4. Ang mabuting tao ay tunay ngang pinagpapala ng Diyos.
5. Sumasalungat ako sa naging pahayag ng aming
kasamahang manggagawa kahapon sa pulong.
6. Ayaw ko ang pahayag na iyon ng pangulo sapagkat
nakasasakit ng damdamin
7. Iyan din ang palagay ko na maaaring mangyari kung hindi
tayo magkakaisang lahat.
8. Ang mga nangyayari sa atin sa kasalukuyan ay totoong
nakakapanibago.
9. Hindi ako agad naniniwala sa mga fake news na
naglalabasan sa mga social media.
10. Hindi ako sang-ayon dahil iba ang aking pinaniniwalaan
at sinasampalatayanan.​


Sagot :

Answer:

1. ☑️

2. ☑️

3. ❎

4. ☑️

5. ❎

6. ❎

7. ☑️

8. ☑️

9. ❎

10. ❎

Explanation:

correct me if I'm wrong nalang then sleep na us hemwueh

Answer:

1. /

2. /

3. X

4. /

5. X

6. X

7. /

8. /

9. X

10. X

Explanation:

Mga Hudyat na Salita o Pariralang Ginagamit sa Pagsang-ayon:

  • Bilib ako sa iyong sinabi na...
  • Ganoon nga...
  • Kaisa mo ako sa bahaging iyan...
  • Maaasahan mo ako riyan...
  • Iyan din ang palagay ko...
  • Iyan ay nararapat...
  • Totoong...
  • Sang-ayon ako...
  • Sige...
  • Lubos akong nananalig...
  • Oo...
  • Talagang kailangan...
  • Tama ang sinabi mo...
  • Tunay nga...
  • Iyan/iyon din ang...

Mga Hudyat na Salita o Pariralang Ginagamit sa Pagsalungat:

  • Ayaw ko ang pahayag na...
  • Hindi ako naniniwalang...
  • Hindi ako sang-ayon dahil...
  • Hindi ko matanggap ang iyong sinabi...
  • Hindi totoong...
  • Huwag kang...
  • Ikinalulungkot ko...
  • Maling-mali talaga ang...
  • Sumasalungat ako sa...
  • Tumututol ako sa...
  • Hindi ako makapapayag na...