👤

ano-ano ang maaaring gawin upang maipakita ang pasasalamat sa kabutihang ginawa ng ating kapwa​

Sagot :

Pasasalamat

Ito ay isang paraan upang maibalik natin ang kabutihan sa ating kapuwa. Ang pasasalamat ay paraan rin upang tayo mismo ay makapagbigay ng gantimpala at bunyi sa isang tao. Maituturing ang pasasalamat ay pagtatanaw natin ng utang na loob sa lahat ng mga taong nakagawa o kaya nagpakita ng kabutihan sa atin.

Ilan sa mga maaaring gawin para maipakita ko ang pasasalamat ko sa mga kabutihang ginawa ng ating kapuwa:

  • Pagsasabi ng simpleng salamat po o thank you sa mga taong nagpapakita ng kabaitan sa atin.
  • Pagbibigay ng regalo sa isa.
  • Pagpakitaan rin sila ng kabutihan sa lahat ginawa nila sa atin.
  • Pagbibigay ng liham ng pasasalamat o kaya naman sa paraan ng pagc h a c h a t at pagtetext.  

Kaya pinakikita nito na mahalaga na maging mapagpasalamat tayo sa lahat ng pagkakataon ng ating buhay kahit ito man ay sa maliit na bagay. Nakakatulong ito para maging mabuting tao tayo at mahubog sa tama ang ating pagkatao. Sa simpleng salitang salamat ay malaki na ang epekto nito sa iba. Nagbibigay ito ng kasiyahan sa ating kapuwa at nagkakaroon tayo ng magandang reputasyon. Isa pa, pinatitibay nito ang magagandang kaugnayan o kaya relasyon sa ating kapuwa.

Anuman ang ginawa o pinakitang kabutihan ng iba sa atin sikapin natin na maging mapagpasalamat. Paraan ito upang maipakita natin mismo na pinahahalagahan natin ang ginawa ng iba para sa atin. Alalahanin ang tatlong antas na ito na dapat malaman hinggil sa ating pasasalamat sa iba, ito ang:

  1. Kinikilala dito ang kabutihan ng kapuwa natin
  2. Magbigay rin ng pasasalamat sa iba
  3. Ibalik ang ginawang kabutihang loob ng ating kapuwa alang-alang sa ating sarili.

Huwag kalimutan sa buhay ang mga salitang salamat po o thank you!

Kung mismo ay may pagnanais pa makapagbasa ng karagdagang mga detalye hinggil sa paksa, puwede kang bumisita dito sa mga link na ito na nasa ibaba:

Ilan sa mga dapat gawin upang maisabuhay natin ang pasasalamat: brainly.ph/question/1049862

Iba pang kahulugan ng salitang pasasalamat: brainly.ph/question/1036809

#BrainlyEveryday