👤

kailan ipinag diriwang ang araw ng maynila

Sagot :

Answer:

IPINAGDIRIWANG ng Lungsod ng Maynila ang ika-442 Araw ng Maynila (Manila Day) ngayong Hunyo 24, 2013, isang special non-working day. Ang Maynila, ang kabisera ng bansa, ay isa sa 16 na lungsod at isang munisipalidad na bumubuo sa Metro Manila. Ang Maynila ay may 16 na distrito: ang Binondo, Ermita, Intramuros, Malate, Paco, Pandacan, Port Area, Quiapo, Sampaloc, San Andres, San Miguel, San Nicolas, Santa Ana, Santa Cruz, Santa Mesa at Tondo.

Ginugunita sa Araw ng Maynila ang mayaman at makulay na nakaraan, kultura at pamana ng siyudad. Nagbibigay-pugay rin ito sa mga kumpanya, mga opisyal at mga indibiduwal na nakatulong sa pag-unlad nito. Kabilang sa mga aktibidad ngayong taon ang pagpaparangal sa “Ten Outstanding Manilans“ upang kilalanin ang kani-kanilang pambihirang tagumpay sa iba’t ibang larangan; ang “Patnubay ng Sining at Kalinangan“ na kumikilala sa mga Pinoy artist; at “Diwa ng Lahi“ para sa indibiduwal na inialay ang kanyang buhay sa pagsusulong ng kulturang Pilipino sa entablado, radyo, pelikula at telebisyon. Ang iba pang aktibidad ay ang pagtukoy sa pinakamalilinis na barangay, mga medical at dental mission, Misa ng pasasalamat, job fair, mga art at photo exhibit at sports festival.

Ang Araw ng Maynila ay unang iprinoklama ni noon ay Vice Mayor Herminio A. Astorga noong Hunyo 24, 1962, at simula noon ay taun-taon nang ipinagdiriwang. Batay sa kasaysayan, itinatag ng Espanyol na conquistador na si Miguel Lopez de Legazpi, ang unang Gobernador-Heneral sa bansa, ang lungsod noong Hunyo 24, 1571, at idineklara itong “Most Distinguished and Ever Loyal City.“ Tinawag itong “Intramuros“ (Walled City) at kalaunan ay “Ciudad del Feliz Romero“ (City of Happy Travelers).

Sa panahon ng mga Amerikano, ang Maynila ay nakilala bilang “City of Festivals“ dahil sa mga Kapistahan ng Black Nazarene sa Quiapo, Sto. Niño sa Tondo, Nuesta Señora de los Remedios sa Malate, at Birhen de Loreto sa Sampaloc. Sa kasalukuyan, ito ay isang pandaigdigang siyudad na kilala sa sining, komersiyo, edukasyon, pinansiyal, pangangalagang pangkalusugan, pamamahayag, serbisyong propesyunal, pananaliksik at pagsulong, turismo at transportasyon. May international Sister Cities din ito.

Ang Manila Bulletin, sa pangunguna ni Chairman of the Board of Directors Dr. Emilio T. Yap, President at Publisher Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III, Editor-in-Chief Dr. Cris J. Icban Jr., Business Editor Loreto D. Cabanes, mga Opisyal at mga Empleyado, ay bumabati sa Lungsod ng Maynila, sa pamumuno ni Mayor Alfredo S. Lim at Vice Mayor Francisco M. Domagoso, ng mga City Councilor, Opisyal, Empleyado at Residente nito sa pagdiriwang ng ika-442 Araw ng Maynila, at hinahangad ang kanilang tagumpay. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!