👤

Ang sumusunod na pangungusap ay paglalarawan sa paggawa maliban sa isa:

A. Anomang gawaing makatao, nararapat sa tao bilang anak ng Diyos

B. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa

kaniyang kapwa

C. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng

kapwa

D. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at

pagkamalikhain

2. Si Mang Pedro ay ang barangay chairman ng barangay Pag-asa, kilala siya sa

kanilang komunidad bilang isang mabait at matulungin na tao. Tinitiyak niya ang

kaayusan at kalinisan sa kanilang lugar. Sa tuwing may mga kalamidad o sakuna,

agad na nagbibigay tulong si Mang Pedro sa kanyang nasasakupan kasama ang iba

pang volunteer sa barangay. Ang ipinamalas ni mang Pedro ay maituturing na:

A. Paggawa C. Pakikipag-kapwa

B. Paglilingkod D. Pamumuno

3. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang

matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Ang pangungusap ay:

A. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing

pangangailangan.

B. Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kanyang mga pangangailangan kung wala

siyang pera.

C. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.

D. Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa

bago sarili

4. Ano ang maaaring epekto ng pagunlad ng agham at teknolohiya sa pagiging

produktibo ng tao sa paggawa?

A. Nawawalan ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain

B. Nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.

C. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.

D. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.

5. Sino sa mga sumusunod ang maituturing na nakapagbigay tulong sa pag-angat ng

antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?​