Panuto: Uriin ang sumusunod na sitwasyon kung ito ay panloob na migrasyon o panlabas na migrasyon. Gawin ito sa hiwalay na papel
1.Namamalagi si Eron sa bahay ng kanyang tita sa laoag magmula nang lumipat siya galing maynila.
2.Namasukan bilang kasambahay si Aling Maring sa mansion ng mga Ortega sa Cavite.
3.Isinakatuparan Ni Aaron ang kanyang pangarap na magtrabaho sa Canada buhat nang siya ay maging isang ganap na inhinyero
4.Nag-cross country si lena buhat sa malaysia patungong london.
5.Umuwi na lamang sa Cotabato si jayson buhat sa tondo nang masunog ang tinitirhang bahay doon.
6.Hindi pa pinalampas pa ni Christian ang pagkakataong makapag-aral sa isang sikat na pamantasan sa maynila nang makuha siya bilang varsity player sa nasabing unibersidad.
7.Wala ng nagawa pa si Mary Ann nang kunin siya ng kanyang mga magulang sa California mula sa Vigan.
8.Pumunta sa Thailand ang magkakaibigang Simon, Anton, at Marlon upang pag-aralan ang kalakaran ng plastic surgery doon.
9.Nabigyan ng Scholarship grant si Marvin para sa isang short course sa isang kilalang culinary school sa California.
10.Piniling magkolehiyo ni alex sa lungsod ng Baguio dahil sa malamig na klima doon.