👤

ESP 6
Panuto: Isulat ang tsek () sa bilang ng mga sitwasyong nagpapakita ng paggalang natin
at ekis (x) naman kung hindi nagpapakita ng paggalang
1. Iniwasan ni Joy ang mga kaibigang nagbigay ng puna sa kaniyang gawa
2. Pinagtawanan si Danny ng mga kamag-aral niya nang magkamali siya sa pagsagot
3. Nakangiting pinakikinggan ni Arlyn ang mga idea ng kaniyang kapangkat
4. Hinihikayat ni Susan ang kaniyang mga miyembro na magbigay ng kanilang opinyon
5. Isinasaalang-alang nina Edgardo ang mga opinyon ng nakatatanda at nakababata ako
sa pistang magaganap sa kanilang lugar.
6. Lumapit sina Jessy sa kanilang dating guro upang humingi ng idea ukol sa gagawin
nilang programa para sa kanilang punongguro.
7. Sumama ang loob ni Carlo nang hindi isinama ang kaniyang ideya sa pagbuo ng
kanilang proyekto sa Araling Panlipunan.
8. Binuo nina Jesiebelle ang kanilang tula tungkol sa kanilang mga magulang sa
pamamagitan ng pagsasama-sama ng kanilang magagandang karanasan
9. Tinanggap nang maluwag ni Malou na hindi maisasama ang kaniyang idea sa plano ng
kanilang klase.
10. Nag-organisa ng palaro para sa mga kabataan ang pamunuan ng barangay sa kanilang
lugar.
11. Si Noel ay masaya na walang pasok, subalit si Tony ay hindi dahil ayon sa kanya ay
mawawalan siya ng matutunan. Ayaw sumang-ayon si Noel dahil mahilig siyang
maglakwatsa Pinabayaan na lamang ni Tony si Noel sa kaniyang nais
12. Nakakita ang magkakaibigan Grace at Marian ng pitaka sa may kantina. Binalak ni
Grace na itago na lamang ang pitaka ngunit hindi pumayag si Marian. Dahil dito ay
magkasamang ipinagbigay alam ng magkaibigan sa opisina ng Lost and Found ang
napulot na pitaka.
13. Sinabi ni Jose na sila lamang ang mapupunta sa langit kapag namatay, hindi pumayag
si Pedro at sinabing sinungaling siya.
14. Ang mag-asawang Lito at Lita ay namimili ng mga kandidato na nais nilang iboto sa
darating na halalan at dito napagtanto nila na magkaiba pala sila ng mga napipisil na
kandidato. Malugod na tinanggap ng mag-asawa ang kanilang mga
napagdesisyunan.​