Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Isulat lamang ang titik
ng tamang sagot sa linya.
1. Ito ang bilang ng malayang sangay ng pamahalaan ng
Pilipinas.
a. 3
b. 4
c. 5
2. Ito ang sistema ng batas at ang mga taong gumagawa
o nagpapatupad ng mga ito upang magkaroon ng
katiwasayan, kaayusan, at kapayapaan ang mga
mamamayan ng isang pamayanan o bansa.
a. sangay ng tagapagpaganap
b. pamahalaan
c. sangay ng pamahalaan
3. Ito ang pinakamataas na hukuman o korte sa Pilipinas.
a. Korte ng Paghahabol
b. Korte Suprema
c. Hukuman ng Paghahabol ng Buwis ng Pilipinas
4. Ito ang uri ng pamahalaang sinusunod sa Pilipinas.
a. demokratikong republika
b. parlamentaryong republika
c. pederal na republika
5. Ito ang sangay ng pamahalaang gumagawa ng batas.
a. ehekutibo o tagapagpaganap
b. hudikatura o panghukuman
c. lehislatura o pambatasan