Sagot :
Answer:
“Buong tapang na nakipaglaban ang magkapatid kay Saragnayan. Sa una’y palakasan lamang
ng anting-anting o pamlang ang labanan. Kalauna’y pisikal ang naging labanang ginamitan ng
magkapatid ng mga palasong may lason subalit kahit anong lakas at husay nila ay hindi nila
matalo-talo si Saragnayan. Naisip ni Baranugon na maaring may sikreto si Saragnayan. kaya’t
hindi siya basta namamatay. Pinabalik niya sa kanilang lolang Abyang Alunsina ang mga
ispiritung kaibigan niya upang sumangguni. Dito niya nalamang ang kapangyarihan pala ni
Saragnayan ay nakatago sa isang baboy-ramo at nakain ang puso nitong kinatataguan ng
kaniyang hininga. Sa tulong ng tagalay nilang anting-anting na tinatawag na lumay ay
natagpuan at napatay ng magkapatid ang baboy-ramo.
Sipi mula sa akdang “Epiko ng Hinilawod” (Epiko ng mga Bisaya)