Sagot :
Answer:
Ang Imperyong Romano na nga siguro ang pinakamagiting at pinakamatagumpay na sibilisasyon ng sinaunang panahon. Magaling silang makidigma na naging dahilan ng mabilis na paglawak ng kanilang nasasakupan. Makabago at moderno ang kanilang naitayong istraktura. HIndi na napigilan ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng Roma hanggang sa maabot nito ang rurok ng kanilang tagumpay. Naging maayos at matiwasay ang pamumuhay ng mga Romano sa mahabang panahon… kaya bakit nga ba ito biglang bumagsak? Ano nga ba ang mga pangyayari na nagtulak sa Roma sa tuluyang pagkawasak nito?
Unti-unting naging problema ang paraan ng pamumuhay ng mga tao. Sapagkat naibibigay ng gobyerno sa mamamayan ang mga pangunahing pangangailangan nito ay natutong maging tamad ang mga Romano. Masyadong nawili ang mga tao sa mga nakakaaliw na palabas sa sirkus. Inatupag ang mga walang katapusang selebrasyon at “holidays”. Wala nang nagtatrabaho. Sa madaling salita ay umikot sa kasiyahan ang buhay ng mga Romano kay hindi nagtagal ay humina ang ekonomiya ng imperyo. Hindi na sapat ang mga buwis na nakokoletkta sa mamamayan para sa maluho nilang pamumuhay. Nagsimula na ang pagkasira ng matatag na imperyo.
ADVERTISEMENT
REPORT THIS AD
Sa mga panahong iyon, ang emperador na lamang ang maasahan upang muling ibangon ang imperyo sa pagkalugmok nito. Hinangad ng mga mamamayan ang isang lider na tulad ni Julius Caesar at Augustus Caesar na magaling mamuno at may kakayahang pag-isahin muli ang Roma. Ngunit sa kasamaang palad hindi na dumating ang pinunong hinahanap ng mga tao. Sunod-sunod ang mga emperador na wala namang nagawang mabuti para sa Roma. Ang mga maling desisyon ng mga nasabing emperador ay lalo lamang nagpalala sa sitwasyon ng pagbagsak nang imperyo. Lalong nalugmok ang sibilisasyong Romano.
Naging huling dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Romano ang pag-atake ng mga Barbaro. Sinalakay nila ang Roma sa panahong wala itong kakayanan na lumaban ng maayos. Sa panahon ring iyon ay nahati ang Roma at nagkaroon ng patayan dahil sa relihiyon. Sumibol ang Kristiyanismo samantalang may mga sumasamba pa rin sa maraming diyos. Nabalot ng kadiliman at kaguluhan ang buong Roma. Tuluyang na itong bumagsak.
Maihahambing natin ang nangyari sa Roma sa sitwasyon ng bansa sa kasalukuyan. Ang mga salik na hinarap ng Roma ay maitutulad din natin sa mga problemang kinakarahap ng bansa. Ang pinagkaiba lamang, ang mga salik na iyon ang nagpabagsak sa Roma samantalang sa Pilipinas, ang mga salik na iyon ay nagiging dahilan ng hindi natin pag-unlad. Hindi lamang sa ating bansa nangyayari ito. Ang hindi magandang uri ng pamumuhay, palpak na pamumuno at gulo dahil sa relihiyon ay mga salik din na humahadlang sa iba pang “third world countries” sa pag-usad mula sa putikan. Hindi ko masabi kung nakakatawa ba o nakakalungkot isipin na ang mga problema noon ay problema pa rin ngayon.
Kung susumahin, mga Romano mismo ang sumira sa sarili nilang Imperyo. Maging ang matatag na Imperyo ay madaling mawasak kung ang mga mamamayan na bumubuo rito ay mahina at madaling buwagin. “History repeats itself.” Paulit-ulit na mangyayari sa iba’t-ibang bansa sa mundo ang nangyari sa Roma, hanggang sa matuto tayong magkaroon ng disiplina at magkaisa.