👤

A. Panuto: Unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang titik ng wastong sagot.
1. Tawag sa malasariling pamahalaan na itinatag sa Pilipinas
A. Amerikano B. Hapones C. Kastila D. Komonwelt
2. Ang kauna-unahang namuno sa malasariling pamahalaan noon
A. Emilio Aguinaldo B. Ramon Magsaysay C. Manuel Quezon D. Carlos Garcia
3. Ang batas na nagtadhana sa pagtatag ng Malasariling Pamahalaan
A. Batas Tydings McDuffie
C. Code of Ethics
B. Batas Hare-Hawes Cutting D. Batas Homestead
4. Ang kautusang nagpahayag na gawing saligan ng wikang pambansa ang Tagalog
A. Kautusan Blg. 134
C. Kautusan Blg. 143
B. Kautusan Big, 163
D. Kautusan Blg. 162
5. Ang tawag sa botohan o pagpapasiya ng taumbayan
A. Batas Halalan B. Plebisito C. Taumbayan D. Botohan
6. Maraming patakaran at batas ang Amerika para sa pagsasarili ng Pilipinas, subalit tanging ang
Batas Tydings-McDuffie ang nagbigay ng probisyon tungkol sa:
A. Paghirang ng kinatawang Pilipino sa Kongreso ng Estados Unidos
B. Paglaganap ng kulturang Amerikano sa kabuhayan ng mga Pilipino
C. Takdang kalayaan ng Pilipinas sa loob ng sampung taon
D. Wastong pamamaraan ng paggamit ng salapi ng bayan
7. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting pagbabago sa panahon ng Komonwelt na
naranasan ng mga Pilipino sa larangan ng pulitika?
A. Pag-aaral ng libre sa mga pampublikong paaralan
B. Pagbibigay ng karapatan na makapili at makaboto ng mga pinuno
C. Pagiging kawani sa mga tanggapan ng pamahalaan
D. Pagmamay-ari ng sariling negosyo at kabuhayan
8. Ano ang pinakamahalagang likhang-kultural na nagpasulong sa adhikaing pagsasarili ng
Pilipinas?
A. Dumami ang mga dayuhang produkto sa mga pamilihan
B. Paggamit ng wikang Ingles sa mga pampublikong paaralan
C. Pagpapakita ng kahusayan ng mga Pilipino sa pamumuno sa pamahalaan
D. Sumapi ang mga Pilipino sa Sandatahang Lakas ng Estados Unidos
9. Ano ang pinakamagandang naidulot ng pagkaroon ng isang wikang pambansa sa Pilipinas?
A. Mas naging madali ang pagnenegosyo sa iba't ibang dako sa Pilipinas
B. Nagkaroon ng pambansang pagkakaintindihan
C. Mas napadali ang paglalakbay sa iba't ibang parte ng bansa
D. Pwede ng iboto sa anumang posisyon ang mga Pilipinong hindi nagsasalita ng Tagalog.
10. Ang Saligang-Batas ng 1935 ay maingat na inihanda ng mga Pilipino upang maging batayan
ng Amerika sa kakayahan ng mga Pilipino tungo sa pagsasarili, samakatuwid may mga
probisyon sa Saligang-Batas ng 1935 para sa:
A. Kakayahan ng mga Pilipino na maipagtanggol ang teritoryong sakop ng Pilipinas
sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt
B. Kalagayan ng ekonomiya na ikinabubuhay ng mga Pilipino sa panahon ng
Pamahalaang Komonwelt
C. Katangian ng mga pinuno at uri ng pamahalaang iiral sa Pilipinas sa ilalim ng
Pamahalaang Komonwelt
D. Kahusayan ng mga Pilipino na mapaunlad ang sistema ng edukasyon na itinuro
sa ilalim ng Pamahalaang Komanwelt​