👤

Basahin at suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Kung ang pahayag ay epekto sa mga Pilipino ng
pananakop ng mga Amerikano, isulat ang TAMA sa sagutang papel at MALI naman kung hindi

1. Ang interes ng Amerikano sa Pilipinas ay itinago sa patakarang malayang kalakalan.

2. Rellhiyon ang pinakamahalagang institusyon sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano,

3. Pamahalaang militar ang unang pamahalaang itinatag ng mga Amerikano sa Pilipinas,

4. Napalawak ng edukasyong Amerikano ang tradisyunal na papel ng kababaihan sa pamamagitan ng
pagpapahalaga sa pangangalaga ng bahay at pamilya.

5. Ang Unang Komisyong Pilipino na inatasan ni Pangulong McKinley na mag-imbestiga sa kalagayan ng
Pilipinas ay nagbigay ng kapaki-pakinabang na rekomendasyon tungo sa ikagagaling nito,

6. Ang mga patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga Amerikano ay naging daan ng pagbubukas ng
pamilihang Pilipino sa ibang bansa sa mundo.

7. Ang Batas Torrens ay nag-alis ng karapatan sa mga katutubong Pilipino na linangin ang sariling lupain.

8. Ang patakarang agraryo na ipinatupad ng mga Amerikano ay naging daan sa pagbili at pamamahagi ng
mga dating lupang pag-aari ng mga Kastilang Prayle.

9. Ang Parity Rights ay kasunduang nabuo sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano na nagbigay ng
karapatan sa mga Amerikano upang linangin ang ating mga likas na yaman.

10. Ang patakarang Benebolenteng Asimilasyon aay nagsasaad ng tunay na pagtulong at paggabay ng mga
Amerikano sa mga Pilipino.​