I - TAMA O MALI. Basahin nang Mabuti ang bawat pahayag at tukuyin kung ito ay tama o mali. Isulat ang sagot sa unahan ng bawat bilang.
_____1. Ang emosyon o damdamin (emotion or feeling) ay ang pakiramdam ng isang tao na nauugnay sa mental at sikolohikal na kalagayan.
_____2. Sa Pilosipiya ni Scheler (Dy, 2007), ang damdamin ang pinakamahalagang larangan ng pag-iral ng tao.
_____3. Ang Pandama (sensory feelings), Kalagayan ng damdamin (feelings state), Pisikal na damdamin (psychical feelings), Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings) ay ang apat na uri ng damdamin
_____4. Ang EQ o Emotional Quotient o Emotional Intelligence ng tao ay masasabing mataas kapag nalalaman o nakikita sa isang tao ang kahalagahan ng pamamahala sa emosyon sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa kapag napagtagumpayan niya ang pamamahala sa kaniyang emosyon.
_____5 Ang mga Pagkilala sa sariling emosyon, Pamamahala sa sariling emosyon, Motibasyon, Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba, Pamamahala ng ugnayan ay limang pangunahing elemento ng EQ.