👤

"Ang Masunuring si Lito.” Masarap kasama sa pangkat si Lito. Tahimik, maaasahan, at masunurin
siya. Subalit napapansin mo na laging inuutusan ng lider ninyo si Lito na sa palagay mo ay hindi na
makatarungan, tulad ng pagpapabili ng meryenda, pagpapabuhat ng bag, pag-aayos at paglilinis ng
ginamit na silid sa pagpupulong. Maraming magagandang ideya si Lito na maaaring makatulong sa
gawain ng pangkat. Subalit, dahil lagi siyang inuuutusan at sumusunod, di siya nabibigyan ng
pagkakataong maibahagi ang kaniyang naiisip at saloobin sa mga paksang tinatalakay ng pangkat.
Nanghihinayang ka para kay Lito.
1. Paano mo haharapin ang sitwasyon?
2. Ano ang pangmadaliang solusyon?
3. Ano ang pangmatagalang solusyon?​


Sagot :

Answer: 1. Kakausapain ko ang aming lider dahil alam kong hindi na makatarungan ang ginagawa niya sa aking miyembro. Sasabihin ko sa kanya na kung maaari maging responsable siya sa kanyang grupo lalo na't siya ang lider dapat siya ang mas nakakapagisip ng maayos at nagpapahalaga sa kanyang grupo

2. Papakiusapan at kakausapin ng maayos ang aming lider

3. Maaring hindi na niya ulitin dahil alam niyang nagkamali na siya minsan, at maaring maging mas responsable siya tuwing magiging lider ulit siya sa mga pangkatan.

Explanation: sana nakatulong ako