👤

Sitwasiyon 1: Pagkatapos ng klase, inanyayahan si Dessa ng kaniyang mga
kaibigan na pumunta sa mall at manood ng sine. Matagal na rin mula ng huli
silang nakalabas bilang isang grupo. Bago matapos ang palabas, biglang tumawag
ang kaniyang ina at pilit siyang pinauuwi. Mahigpit na ipinagbabawal ng kaniyang
mga magulang ang pamamalagi sa labas, lalo na kung gabi na. Ngunit sinabihan si
Janine ng kaniyang mga kaibigan na kapag sinunod niya ang kaniyang ina,
ititiwalag na siya sa kanilang barkada at hindi na iimbitahan pa sa alinmang lakad
ng barkada kailanman. Ano ang dapt gawin ni Janine?
Mga Tanong
Mga Sagot
1. Anong dalawang mabuting kilos ang
nagtutunggalian sa sitwasyon na
kinakaharap ni Dessa?
2. Isinaalang-alang ba niya ang mas
mataas na mabuti (higher good) sa
sitwasyong ito sa kanyang pasya?
Pangatwiranan.
3. Paano niya babaguhin ang kanyang
pasya upang tumalima o sumunod ito
sa unang prinsipyo ng Likas na Batas
Moral?
4. Kapag pinili niya Ang mas mataas na mabuting kilos, uusigin kaya siya ng kanyang konsensya?pangatwiran.​