Sagot :
ANSWER
PAMILYA
Isang tahanan namay masayang pamilya
Isang regalo na napaka halaga
Isang tawa na nagmumula sakanila
At isang pamilya na mahirap mabura.
Pamilya, hindi kumpleto kapag walang ama at ina.
Na silang dahilan bakit tayo humihinga
Pamilya nag bibigay saya
At isa din sa ating ligaya.
Hindi kumpleto ang pamilya
Kapag wala si ate at kuya
At syempre si bunso
Ang utusan ng lahat.
Kulitan at tawanan, alitan at sagutan
Ngunit palaging nag mamahalan
Ayan ang hindi kayang tumbasan nino man
Ang pamilyang magulo pero palaging buo.
Ngunit isang araw ang hindi makaka limutan
Isang balita ang napakinggan
Ang dating masaya ay napalitan
Ang isip ay biglang naguluhan
Pag dilat ng mga mata
Ang mga damit ay naka handa
At si ama ay paalis na
Sya ba ay babalik pa o hindi na
Maraming katanungan ang nais masagot
Ngunit ito ba ay isang malaking bangungot
Aking ama, manatili ka
Ating pamilya ang aking ligaya
Dito nasubok ang aming tibay
Kahit anong problema hindi bibigay
Dahil naniniwala na babalik ka
At ang pamilya ay muling sasaya
Nanalangin, naniwala, at nag tiwala
Umaasa na hindi ka mawawala.
Ngunit isang bagay ang aking napansin
Isang tao ang padating.
Agad akong nagising, ama ikaw naba yan?
Isang yakap ang nagpa gising
Ngunit biglang napa iling
Dahil bumalik ka para iyong sabihin
Na ikaw ay magpapa alam sa iyong pag alis
Akoy biglang namawis, maka sama ka
Iyon ang nais. Ngunit isang paalam ang nakaka inis. Ikaw ay mamimiss pwede kabang mayakap at makiss.
Mahirap masira ang pamilya
Lalo na dati ito ay napaka saya