Saklaw ng Paggamit ng Salitang Balbal sa Pagsasalita at Pagsulat sa Filipino Isang pag-aaral ang isinagawa sa lungsod ng lloilo kaugnay ng salitang balbal, ito'y may layuning tukuyin ang saklaw ng paggamit ng salitang balbal sa pagsasalita at pagsulat sa Filipino ng mga mag-aaral. Ginamit ang 371 na mag-aaral sa ika-9 na antas ng sekundaryabilang tagatugon na pinili gamit ang random sampling. Ginamit ang talatanungan upang masukat ang saklaw ng paggamit ng salitang balbal sa pagsasalita at pagsulat sa Filipino ng mga mag-aaral. Lumabas sa sa resulta na ang kabuuang pananaw ng mga tagatugon ay katamtaman ang saklaw ngpaggamit ng salitang balbal sa pagsasalita at pagsulat sa Filipino ng mga mag-aaral.. Lumbasa din sa result na mayroong makabuluhang pagkakaiba ang pananaw ng mga tagatugon nang pinangkat batay sa kabuuang marka ng pang akademiko at uri ng paaralan. Higit rin ang saklaw ng paggamit ng salitang balbal sa sa pgsasalita kaugnay sa paglalahad ng saloobin at damdamin sa talakayan at sa pagsulat ng mga gawain tungkol sa komentaryo. Ayon sa pananaw ng mga tagatugon higit na masaklaw ang paggamit sa salitang balbal sa aspektong pagsasalita kaysa pagsulat. Hango sa Abstrak ng pananaliksik kaugnay ng Salitang Balbal ni Melody Patriarca,
1.tukuyin ang paksa ng pananaliksik na binasa. 2.batay sa resulta ng pananaliksik,ani ang kabuuang pananaw ng mga tagatagong kaugnay ng salitang balbal?