Sa 60 mag-aaral ni Bb. dela Rosa, may isa rito na kakaiba ang hitsura kaysa sa iba. Siya ay si Leoncio Santos. Maitim ito, pango ang ilong at makapal ang labi. Wala siyang kaibigan sa klase. May angking talino ang bata ngunit mapapansin na lagi siyang nakatulala. Minsang lumiban ang bata dahil sa pagkahilo. Kinabukasan, pinayuhan siya ng kaniyang guro na kumain ng itlog at gulay. Isang araw ay napansin ni Bb. dela Rosa na walang kinakain si Leoncio na tanghalian at nakatingin lamang ito sa mga pagkain ng kaklase. Lumipas ang ilang buwan ngunit ganito pa rin ang kalagayan ng bata. Minsan ay hindi siya nakapasok sa loob ng limang araw. Kaya minabuti ni Bb. dela Rosa na siya ay puntahan sa bahay.