👤

Bakit si Celia ang pinag-alayan ni Balagtas ng kaniyang likha?​

Sagot :

Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Kapule sa panliligaw kay Selya, isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Selya, ipinakulong siya ni Nanong Kapule para hindi na siya muling makita ni Selya. Habang nasa kulungan siya, pinakasalan ni Nanong Kapule si Selya kahit walang pag-ibig na nadarama si Selya para kay Nanong Kapule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura sa papel ng De Arroz para kay Selya.