👤

Ilang dayuhang turista ang bumista sa Pilipinas noong taong 2019?​

Sagot :

Answer:

MANILA, Philippines — Nagbunyi ang Department of Tourism sa pagdami ng bilang ng mga banyagang turista na bumisita sa Pilipinas, matapos nitong umabot sa 8.26 milyon noong nakaraang taon.

Nasa 8.2 milyon kasi ang taunang target na itinaya sa National Tourism Development Plan para sa taong 2016-2022.

"Hudyat ito ng panibagong milestone sa kasaysayan ng turismo, matapos malampasan ang walong milyong bilang," sabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa Inggles

Kailangan nating maipagpatuloy ito kahit na humaharap tayo sa mga hamon sa ibayong dagat."

Inilabas ang balita sa gitna ng patuloy na travel ban ng Bureau of Immigration sa mga naglalakbay mula sa iba't ibang bansa bunsod ng pagkalat ng nakamamatay na Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Naitala ang 15.24% pagtaas ng visitor arrival kumpara noong 2018 na 7.16 milyon lang.

Explanation:

HOPE AND GOD BLESS

CARRY ON LEARNING