👤

Pinagkalooban ka at ang lahat ng tao ng kakayahang mag-isip upang patuloy mong magamit upang makapagpasya tungo sa ikabubuti ng sarili at ng kapwa. Hindi lahat ng nilalang ay may kapasidad na mag-isip kagaya ng tao kaya marapat lamang na gamitin mo ang regalong ito ng Diyos para sa kabutihan.
Makapamumuhay ka nang may kagalakan at kapayapaan kung lilinangin ang mga kakayahan na ipinagkaloob sa iyo. Huwag magpadalos-dalos sa pagbuo ng desisyon. Gamitin ang mga hakbang at pamamaraan sa tulong ng isip at k _ _ _ _ - _ _ _ b upang ikaw at maging ang iba ay mapabuti! Maging tunguhin mo ang k _ _ _ to _ _ _ _ n at kabutihan.