Sagot :
Answer:
Pagsasanay 1. Unang Alpabetong Pilipino ay tinawag na English Alphabet. 2. Ang sistema ng edukasyon ng mga unang Pilipino ay pormal. 3. Pagano o paganismo ang relihiyon ng mga unang Pilipino. 4. Ballpen ang tawag sa ginamit ng mga unang Pilipino sa pagsusulat 5. Guro ang nagtuturo sa mga mag-aaral noon. : Like sign kung tama, dislike sign kung mali.
3. Balik-aral Transportasyon at Komunikasyon…
4. Pagganyak 1. Alam ba niyo kung kanino nagmula ang inyong mga relihiyon? 2. Kung kayo ang papipiliin, anong relihiyon ang nais nyo? 3. Bakit? 4. Nais mo bang ang magturo sa iyo ang taga-ibang bansa? Bakit?
5. Pagbuo ng tanong Ano ang patakarang pang-edukasyon ang ipinatupad ng mga Ameriko? Ano ang relihiyong ipinakilala ng mga Amerikano sa mga Pilipino?
6. Paglalahad Kung ang pagiging isang Kristiyano ang binigyang-diin sa edukasyon ng mga Kastila, itinuro naman ng mga Amerikano ang demokratikong paraan ng pamumuhay. Kung ang simbahan ang sagisag ng Espanya, ang paaralan naman ang sagisag ng sibilisasyong Amerikano… Naniwala ang mga Amerikano na ang demokratikong paraan ng pamumuhay ay maituturo sa pamamagitan ng edukasyon
7. Layunin ng mga Amerikano na sa kanilang patakarang pang-edukasyon na: -turuan ang lahat na maging isang mabuting mamamayan ng isang demokratikong bansa. -bigyan ng ganap na edukasyong pang-elementarya ang lahat ng may wastong gulang. -ituro ang wikang Ingles at ang kulturang Amerikano.
8. turuan ang mga Pilipino na paunlarin ang kanilang pamumuhay malinang sa bawat Pilipino ang damdaming makabayan. magkaroon ng sariling lupang sakahan ang mahihirap na magsasaka
9. Mga sundalong Amerikano at dating gurong Pilipino ang naging unang mga guro. Maraming bata ang nag-aral. Binigyan ng mga kendi, tsokolate , at libreng gamit sa paaralan ang mga mag-aaral.
10. Ang Komisyong Taft ang nagpanukala sa pagtatatag ng paaralang bayan. Nagpalabas ito ng Batas Blg. 74 na nagtatakda ng libreng pag-aaral sa mga paaralang bayan…
11. …Noong 1901, dumating ang 600 tunay na mga gurong Amerikano. Sila ang mga Thomasites. Sila ang pumalit sa mga gurong
12. May mga Pilipino ring sinanay na maging guro. Sila ang mga Pilipinong matatalino at may sapat nang edukasyon. Batay sa sistema ng edukasyon ng Amerika ang ating paaralang pambayan. Ito ay binubuo ng elementarya, sekundarya, unibersidad at kolehiyo.
13. Naging matagumpay ang edukasyon sa panahon ng mga Amerikano. Nakita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng edukasyon kaya’t maraming magulang at anak ang nagsakripisyo at nagkahilig sa pag-aaral…
14. Ito rin ang naging mabuting katulong ng mga Amerikano upang mapaamo at mapasunod ang mga Pilipino, higit na binigyang halaga ng mga Pilipino ang kulturang Amerikano kaysa sa sariling bansa at kultura. Nahubog ang kaisipang kolonyal sa mga Pilipinong taglay pa rin ng marami
15. Dala ng mga Amerikano ang relihiyong Protestantismo sa bansa na may iba’t-ibang sekta. Nanatili rin ang Islam sa mga pook na pinaglaganapan nito…
16. Ipinatupad din mga Amerikano ang demokratikong simulain sa paghihiwalay ng simbahan at estado na isinasaad ng Konstitusyon ng Malolos noong 1899…