👤

anu ang uring mapahalaan ​

Sagot :

Pamahalaan – mula sa salitang pamae na may kahulugang pananagutan o responsibilidad at kasingkahulugan ng pamamatnubay o pamamatnugot.

Answer:

MGA URI NG PAMAHALAAN

Explanation:

Mga Uri ng Pamahalaan

1. ANO ANG PAMAHALAAN?

2. Pamahalaan – mula sa salitang pamae na may kahulugang pananagutan o responsibilidad at kasingkahulugan ng pamamatnubay o pamamatnugot.

3. Pamahalaan – mula sa salitang latin na GUBERNACULUMS na ang ibig sabihin ay TIMON (ANCHOR). Gumagabay sa estado at mga namumuno; isang sistema ng pamamahala

4. Ang pamahalaan ang makapangyarihang braso na gumagawa ng pasya sa estado. Palagi itong bahagi ng isang estado.

5. Kahalagahan ng Pamahalaan

6.  Mahalaga sa mamamayan ang pamahalaan. Pinaiiral nito ang kapayapaan at kaayusan ng bansa at kaligtasan ng mamamayan.

7. 1. Pagbibigay ng edukasyon para sa lahat.

8. 2. Pagpapatayo ng mga ospital, health centers, pagkakaroon ng mga programang pangkalusugan

9.  Ang pamahalaan ang gumagawa ng paraan para maibigay ang mga pangangailangan ng mga tao para mabuhay nang payapa, maayos, at makamit ang maunlad na pamumuhay sa pamamagitan ng:

10. 1. Pagpapagawa ng mga imprastraktura upang malutas ang suliranin sa trapiko at pagsisikip.

11. 2. Paggawa ng mga parke, palaruan at iba pang recreational facilities.

12. 3. Pagpapatayo ng mga pamilihan para matugunan ang patuloy na suplay ng pagkain, damit at iba pang pangangailangan ng pamilya

13. 4. Nagbibigay ng hanapbuhay 5. Pagtatakda ng mga batas upang maiwasan ang pag-abuso ng mga tinatamang karapatan.

14. 6. Pagkakaroon ng ugnayang diplomatiko sa ibang bansa upang makipagtulungan at mapabuti ang kabuhayan ng bansa.

15. 7. Maingat na pagtanggap sa mga dayuhang nais manirahan sa bansa.

16. MGA URI NG PAMAHALAAN

17. MONARKIYA – pinamumunuan ng isang hari o reyna, emperador, o czar.

18. 2 uri ng Monarkiya: 1. Ganap na Monarkiya (Absolute Monarchy) -ang lahat ng kapangyarihan ay nasa iisang namumuno lamang.

19. Walang taong sakop na hindi sumusunod sa kautusan ng hari o reyna. Sila ang gumagawa ng batas, nagpapatupad nito at nanghuhukom sa mga paglabag sa batas.

20. 2 uri ng Monarkiya: 2. Natatakdang Monarkiya (Limited Monarchy) -ang kapangyarihan ng isang namumuno ay isinasaayos ng isang konstitusyon.

21. Karaniwang tinatak-daan ng konstitusyon o kasunduan ang tungkulin at gawain ng hari o reyna. Sa Inglatera, Japan, Portugal, Thailand, ang mga hari/reyna ay Pansermonyang Puno ng Estado.

22. Nakasalalay ang kapangyarihang pampulitika sa parlyamentong pinamumunuan ng Kataas-taasang Ministro, ang hari o reyna ang sagisag ng pambansang pagkakaisa at ng kapangyarihan ng estado.

23. ARISTOKRASYA – ang kapangyarihang mamuno ay nasa kamay ng iilang tao o pamilya lamang.

24. Hango sa salitang griyego na “aristos” – ibig sabihin ay pinaka magaling, mayaman, makapangyarihan.

25. Ang Aristokrasyang pamumuno ay pinamamahalaan ng mga piling tao na nabibilang sa mataas na lipunan, mayayaman, at maykapangyarihang pulitikal.

26. Ang kalagayan sa lipunan ay itinakda kung sino ka o sino ang iyong magulang / angkan sa halip na kung ano ang iyong magagawa sa lipunan.

27. DIKTATORYAL – ito ang tawag sa pamamahala ng isang tao lamang.

28. Ang pinunong ito ang may ganap na kapangyarihang gumawa at magpatupad ng mga batas.

29. Ang mga tao ay walang layang magpahayag ng kanilang opinion at damdamin. Mga tagasunod lamang sila.

30. Kabilang sa mga diktador sa kasaysayan: Benito Mussolini – Italy Adolf Hitler – Germany Joseph Stalin – Rusya.

31. TOTALITARYAN – nasa isang pangkat ng tao ang kapangyarihan ng pamahalaan.

32. Sumasangguni ang isang pinuno sa lupon ng mga tagapayo sa pagtatakda ng mga patakarang pambansa.

33. Ang ganitong uri ng pamahalaan ay nagpapahalaga sa kapakanan ng estado sa halip na sa mga mamamayan.

34. Kailangan lahat ng kilos ng mga mamamayan ay naaayon sa simulain ng pamahalaan.

35. DEMOKRASYA – nasa mamamayan ang kapangyarihan

36. DEMOKRASYA – hango sa salitang DEMOKRATOS na nangangahulugan ng pamamahala ng mga tao, sa pamamagitan ng mga tao at para sa mga tao.

37. Ang Demokratikong Pamahalaan ay itinuring na TUWIRAN AT DI-TUWIRAN

38. TUWIRANG DEMOKRASYA – pinamamahalaan ng mga tao ang sarili nila sa pamamagitan ng mga pagpupulong kung saan pinag- uusapan nila ang mga suliranin at mga solusyong dapat isagawa.

39. DI-TUWIRANG DEMOKRASYA – ang mga namumuno ay inihahalal ng mga kwalipikadong manghahalal. Karamihan sa mga bansang demokratiko ay di- tuwiran dahil sa lawak ng teritoryo at dami ng populasyon. Halimbawa: U.S, Pilipinas

View image Gracelynlyn