I. Tama o Mali: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at MALI kapag hindi makatotohanan.
1. Ang sanaysay ay isang akdang nagpapahayag ng pananaw ng manunulat. 2. Pinakalayunin ng sarsuwela ay itanghal sa entablado. 3. Lubos na kahanga-hanga ang sanggol sa epikong “Lam-ang” dahil pagkapanganak pa lamang ay marunong na itong magsalita. 4. Ang tradisyunal na tula ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim na kahulugan. 5. Ang tulang may malayang taludturan ay isang makabagong anyo ng tula na walang sinusunod na sukat at tugma. 6. Ayon naman kay Roberto Añonuevo, ang talinhaga ng tula ay mauri sa dalawa: mababaw at malalim. 7. Layunin ng paglalahad ang mailarawan ang kabuoang anyo ng tao,bagay o pook upang maipakita ang kaibahan nito sa mga kauri. 8. Sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat ay makabubuting pag-aralan o pag-isipan munang mabuti at magkaroon ng malawak na kaalaman ukol sa isyu. 9. Ang pandiwang manliligaw ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa nasisimulan kung kaya ito’y aspektong kontemplatibo. 10. May mga aspekto ang mga pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa ang pagganap