Sagot :
Answer:
Kalendaryong Tagalog
Explanation:
Lumabas ang unang kalendaryong Filipino sa Dimasalang Kalendariong Tagalog (1920) na isinulat ni Don Honorio Lopez. Isa itong kalendaryong may hula batay sa kanluraning astrolohiya at pananaw ng Tagalog. May kinalaman ito sa pagtukoy ng siklo ng panahon gaya ng kabilugan ng buwan, tag-ulan, tag-araw, at iba pa na dapat isaalang-alang sa pagsasaka, paghahayupan, at iba pang kabuhayan. Mayroon ding kalakip na payo hinggil sa pag-ibig, pagpapamilya, at paghahanapbuhay at talâ ng bawat araw tungkol sa pagdiriwang ng partikular na santong patron o araw ng kapanganakan at kamatayan ng mahalagang tao sa kasaysayan, panitikan, at politika ng Filipinas.