👤

isa sa prinsipyo ng pamumuno​

Sagot :

Answer:

dapat igalang ang ibang mga ka grupo at panindigan ang pagiging isang pinuno

Explanation:

PA BRAINLYS ANSWER PO THANK YOU

Sagot:

Ang salitang pamumuno ay maraming kahulugan sa tagalog. Ang sagot na ito ay pangkalahatan at tumutukoy sa salitang ingles na: Leadership

1. Kilalanin ang sarili at paunlarin ang sariling kakayanan.

Ang isang pinuno ay kilala ang sarili. Alam niya ang kaniyang kahinaan at kalakasan at kung ano pa ang kailangan baguhin at ayusin sa sarili.

2. Kailangan alam ng pinuno ang ginagawa niya.

Ang isang pinuno ay alam kung ano ang trabaho niya at may sapat na pang-unawa sa trabaho ng kanyang mga tauhan.

3. Obligado at pinananagutan ang kanyang mga desisyon at gawa.

Ang tunay na pinuno ay pinananagutan ang kaniyang mga pagkakamali.

4. Gumawa ng tamang desisyon sa tamang oras at situwasyon.

Ang isang pinuno ay may malawak na pananaw upang makagawa ng tamang desisyon.

5. Maging mabuting Halimbawa

Ang mga tauhan ay laging nakatingin sa kanilang pinuno kaya importanteng magpakita ng mabuting halimbawa upang gayahin din ito.

6. Kilalanin ang mga kawani at alagaan sila.

Ang mga tauhan ay para na ring kamay ng pinuno. Kapag hindi maganda ang kalalagayan ng isang kawani ay mahihirapang kumilos ang pinuno.

7. Laging makipagugnayan sa mga tauhan

Important ang komunikasyon upang lalong mapabuti ang trabaho ng bawat isa

8. Turuan ang mga tauhan maging responsableng propesyonal

Ang tunay na pinuno ay marunong mag-udyok ng tauhan na gawin ng maayos ang trabaho.

9. Ipahiwatig na nauunwaan ng pinuno ang mga gawain, at kung ano ang dapat tapusin na may pag gabay.

Ang tunay na pinuno marunong magbigay inspirasyon na hindi makakasagabal sa trabaho ng tauhan.

10. Sanayin ang mga tauhan bilang isang pangkat.

Ang maayos na pakikitungo at kooperasyon ng bawa tauhan ay nakakabuti sa paggawa ng anumang trabaho.