II. A. Panuto: Bigyan ng wakas ang sumusunod na kuwento. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
4. Pagkagising pa lang ay nakipaglaro na si Joy sa mga batang lansangan. Ilang ulit na siyang tinawag ng kanyang ina ngunit parang wala pa rin siyang naririnig. Patuloy pa rin siyang nakikipaglaro. Nilapitan na siya ng galit na ina at pinauwi.
a. Pinagalitan si Joy ng ina pag-uwi ng bahay.
b. Pinakain si Joy ng ina.
c. Hindi nakinig si Joy sa ina.
d. Patuloy sa pakikipaglaro si Joy.
5. Sobra ang pagkain ni Melvin ng mga tsitsirya. Ayaw niyang kumain ng kanin pati ng lutong ulam sa bahay. Para sa kanya, nabubusog na siya sa mga kinakain niya. Isang araw, sumakit ang tiyan ni Melvin.
a. Hindi na kakain si Melvi ng tsitsirya.
b. Pagagalitan si Melvin ng doctor.
c. Dinala at pinatingnan sa doctor si Melvin
d. May sakit na ulcer si Melvin.
6. May isang pasaherong nakaiwan ng bag sa taksi. Natuklasan ng drayber na may laman itong malaking halaga. Nakakita siya ng pangalan at tirahan ng may-ari ng bag. Pinuntahan niya agad ito at isinauli ang bag at ang lamang pera nito.
a. Nalungkot ang drayber at hindi sa kanya napunta ang pera.
b. Nanghihinayang ang drayber.
c. Hindi nagpasalamat ang may-ari ng bag.
d. Natuwa ang may-ari ng bag kaya’t pinasalamatan ang drayber at binigyan ng
pabuya.
B. Panuto: Ibigay ang wakas ng kwento sa bawat bilang.
7. Pagkagising sa umaga ay makikita na si Lolo Gusting na naglalakad. Ito ang paraan niya ng pag-eehersisyo. Masasabing lagpas na siya sa pitumpu’t pitong taong gulang ngunit malakas at matipuno pa rin ang kanyang pangangatawan. Ano ang masasabi ng mga taong makakakita kay Lolo Gusting?
8. Masayang nakikipaglaro si Patrick ng basketball sa kanyang mga kaibigan. Hindi niya napansin ang balat ng saging sa lugar na pinaglalaruan nila. Maya-maya, nagulat ang mga kalaro niy. Nadulas si Patrick sa semento.
9. May butas na ang bubong nina Mang Ramo. Hindi niya ito natapalan. Isang araw, bumuhos ang malakas na ulan. Walang mautusan si Aling Trudis sa pag-aayos ng bubong dahil wala pa si Mang Ramon. Ano kaya ang mangyayari?
10. May iniwang tatlong pirasong tsokolate ang iyong ina sa inyong magkapatid. Binigyan mo ng isa ang bunso mong kapatid. Kulang pa sa kanya ang isa kaya’t humihingi pa siya sa iyo. Ano ang gagawin mo?